#KwentongLockdown 1
Ako si Melvin at ito ang #KwentongLockdown ko. Isa akong welder sa isang kumpanya sa Valenzuela. May isang anak ako at buntis ang aking asawa. No work-no pay ang trabaho ko. Nakatanggap lang ako ng 13th month pay na nagkakahalagang P1,700 mula sa kumpanya.
Hindi pa ako nakakuha ng pangakong financial assistance ng DOLE na P5,000. Nag-apply daw ang kumpanya namin pero mahigit isang buwan na ang nakalipas ay wala pa rin. Wala ring kasiguruhan kung mabibigyan kami ng ayuda mula sa SAP ng DSWD. Nabigyan at nagpasa ako ng form pero kung mabibigyan daw ako ng DOLE ay hindi na pwede mabigyan sa SAP.
Sa kasalukuyan, dumedede pa dapat ang anak namin. Pero dahil wala na nga kaming pambili ng gatas niya, minsa’y pinapainom na lang namin siya ng kape, milo o juice. Tinitipid namin ang kakaunting natitirang badyet kaya madalas ay lugaw o champorado na lang ang niluluto ng asawa ko.
Wala naman kaming ibang inaasahang makakatulong sa amin dahil ang mga kamag-anak namin ay nasa malalayong probinsya at hirap din sa buhay.
________________________
Tulungan natin si Melvin at ang iba pang kagaya ng sitwasyon niya sa pamamagitan ng “Adopt-a-Community” project ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR). Layunin nitong magbahagi ng tulong sa mga manggagawa at maralitang apektado ang kabuhayan sa gitna ng krisis ng COVID-19.
Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari pong umugnay sa FB page na ito. Para sa tulong pinansyal maaaring magpadala sa:
BDO (Peso Acct) Center for Trade Union and Human Rights Inc. 002010066193
Patuloy tayong maninidigan para sa kalusugan, kabuhayan at karapatan ng manggagawa’t mamamayan!