Ako si Me-Ann at ito ang #KwentongLockdown ko. Isa akong street sweeper sa Novaliches. Nang ipatupad ang lockdown, kaming mga babaeng street sweeper ay hindi na muna pinapasok. Mga lalaki na lang daw muna ang magpapatuloy sa trabaho. Kaya naman matinding hirap ang hinaharap namin sa pagkukuhaan ng panggastos pang-araw-araw.

Para makaraos ay naisip naming magkakapitbahay na magtulungan sa pagluluto. Paminsan ay nag-aambagan kami ng mga sangkap na mayroon pa kami para makapagluto ng kung anumang putahe. Pinagsasaluhan namin ito at binibigyan ang mga kapitbahay naming wala na halos maipangkain. Mallit na bagay lang ito pero masaya kaming makatulong sa isa’t isa. 

Pero siyempre, hindi pa rin ito sapat. Kailangan pa rin namin ang tulong at ayuda ng gobyerno.