CTUHR Monitor: May 2025 Issue

May 21, 2025

The May 2025 issue of the CTUHR Monitor provides a comprehensive report on the state of workers under the first three years of the Marcos Jr. administration.

It highlights key issues such as low wages, high prices, attacks on labor rights, and worsening conditions in sectors like women, transport, agriculture, and unemployment. It also tackles labor export, unsafe workplaces, the 2025 national budget, AI’s impact on jobs, and climate change’s toll on workers.

It also includes workers’ victories in asserting their rights to just and dignified conditions.

📥 Read this issue: https://online.fliphtml5.com/olslc/ftcf

📥Download it here: https://drive.google.com/file/d/1CIB7-tUkOzoWcTDrXIiV4G2Jv1knW6mN/view?usp=sharing

Kapag Unity lang ang Plataporma:
3 Taon ng Kahirapan, Paglabag sa Karapatan at Katiwalian

Ngayong Hunyo a-30, tatlong taon nang pangulo si Ferdinand Marcos Jr. Walang nagbago, sa halip ay papasahol, ang lagay ng manggagawa at mamamayang Pilipino.


Noong eleksyon, para makaiwas sa mahabang talakayan tungkol sa diktadura ng kanyang ama, tumakbo si Marcos Jr sa plataporma ng “Unity” o pagkakaisa. Kaalinsabay, ang mga propagandista niya, nagpalaganap ng binaluktot na kasaysayan, inatake ang oposisyon, at pinasikat ang mga Marcos na parang mga artista. Kahit habulin siya ng tanong tungkol sa plataporma, wala siyang sinasabi.
Ngayon, tatlong taon matapos niyang maging pangulo, nagbabayad ang mga manggagawa at mamamayan. Nagtataasan ang presyo at nakapako sa mababa ang sahod. Ang mga manggagawa at kakampi nila na humihingi ng nararapat, dinadahas at nilalabag ang mga karapatan. Lalong lumulubog sa kahirapan ang manggagawang kababaihan at mga malamanggagawa, habang lumalaganap ang kawalang-trabaho. Ang tugon ng gobyerno: pinaigting na pag-eeksport sa ibang bansa ng mga manggagawang Pilipino. Ang pambansang badyet na makakapagbigay sana ng suporta sa mamamayan, puro kurakot ang laman.


Samantala, huling-huli at kulang na kulang ang pagpapanagot ng gobyernong Marcos Jr kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao na ginawa nito. Bago tuluyang arestuhin ng International Criminal Court o ICC si Duterte, ang Team Unity mismo, nagkawatak-watak na. Naglaban-laban ang mga kampo ng mga Marcos at Duterte hindi para sa karapatang pangmanggagawa at pantao, o demokrasya o katarungang panlipunan – kundi kaugnay ng pagdambong sa kabang-bayan at pamumulitika.


Dahil puro pangungurakot at pamumulitika ang inaatupag ng gobyernong Marcos Jr, ang mga manggagawa at mamamayan, walang natatanggap na tulong at proteksyon sa harap ng mga bagong hamon – ang epekto ng makabagong teknolohiyang Artificial Intelligence o AI sa trabaho, ang paglaganap ng platform work o trabahong serbisyo na nakabatay sa Internet gaya ng Uber at Angkas, at ang pagsahol ng krisis ng klima sa mundo.


Kaya naman ang mga manggagawa at mamamayan, patuloy na lumalaban at naggigiit ng karapatan – sa loob man ng pabrika, o sa kalsada para kalampagin ang gobyerno, o sa paghingi ng imbestigasyon at aksyon ng mga internasyunal na organisasyon. Ito pa rin ang nananatiling tungkulin at hamon sa mga manggagawa at mamamayan ngayon. Inilalatag ng mga sumusunod na artikulo ang kalagayan at ang pangangailangang kumilos.